Pilipino / Filipino
Ano ang kalusugang pangkaisipan?
Ang kalusugang pangkaisipan ay ang ating kakayahang tumugon sa mga hamon ng buhay. Kapag tayo ay nalulungkot, nagagalit, nai-stress, o nag-aalala, ang mabuting kalusugang pangkaisipan ay tumutulong sa atin na makayanan at makabawi.
Ang ilang mga sitwasyon ay maaaring tila hindi malalampasan. Maaari nitong maapektuhan ang paraan ng ating pakiramdam, pag-iisip, at pag-uugali. Kahit na may mabuting kalusugang pangkaisipan, maaaring mangailangan ng oras upang maramdaman muli ang ating sarili.
Sa mga sandaling ito, mahalagang humingi ng tulong. Maaari itong magmula sa isang kaibigan, kapamilya, o ibang taong pinagkakatiwalaan mo.
Gayunpaman, kung minsan, kinakailangan ang propesyonal na tulong.
Matutulungan ka ng Medicare Mental Health na makahanap ng mga digital na mapagkukunan para sa kalusugang pangkaisipan mula sa mga pinagkakatiwalaang tagapagbigay ng serbisyo.
Kailangan ko ng tulong
Kung ikaw o ang ibang tao ay nasa panganib at nangangailangan ng tulong pang-emerhensya, tumawag sa 000.
Kung kailangan mo ng tulong online o telepono, bisitahin ang pahinang Kailangan ko ng tulong ngayon.
Mga isinalin na mapagkukunan tungkol sa kalusugang pangkaisipan
Nag-aalok ang Health.gov.au ng listahan ng mga mapagkukunan tungkol sa kalusugang pangkaisipan sa 90 wika. Kasama sa mga mapagkukunan ang mga factsheet, alituntunin, at iba pang mga publikasyon.

